Merci et au revoir !
Sa Nobyembre 7, kahit saan man dako ng mundo, ay magbubukas ng taon ng Jubileo ang Orden ng Dominikano para sa ika-800 daang taon nito.
Ang anibersaryong ito ay isang okasyon upang gunitain ang mga pananaw ng ating Amang Santo Domingo, at magbigay pasasalamat sa lahat ng mga grasya na ipinagkaloob ng Panginoon sa Orden ng mga Dominikano. Ito nga ay ating gugunitain, ngunit di lamang iyon!
“ Natapos na ang mga araw ng Pagpapakasakit “ ang narinig natin sa gabi ng Pagkabuhay. Ngayon ang araw ng Muling Pagkabuhay. Dalangin ko na ang mga linggong yaon ay nagbigay ng liwanag at kaluwalhatian sa inyong lahat!
Maaari nating isipin na ang Kwaresma ay ang angkop na panahon sa ating taunang liturhiya na tunay na bumabalot sa Misteryo ng Hapis ng Santo Rosario. Sa katunayan ito nga talaga ang pwede nating ipakahulugan sa Kwaresma.